Sampung Salitang Hindi mo pa Kilala kahit Pilipino Ka

1.Miktinig 
In English word  Microphone.

Example:
Ang sayang kumanta sa karaoke kung maganda ang pagdeliber ng boses sa miktinig.


2.Sulatroniko
In English word Email.

Example:
Pagtungtong ko sa ika-labing dalawang baitang mas nalaman kong mahalaga ang sulatroniko sa pang araw araw na asignatura  dahil doon nakatala ang mga gawain sa skwela.


3.Antipara
In English word eyeglasses.

Example:
Sa panahon ngayon tutok sa teknolohiya ang mga kabataan lalo na sa telepono, kaya't pag dating sa edad na labing walo ay kinakailangan ng sumuot ng antipara dahil sa nanlalabong mata.


4.Kabtol
In English word switch

Example:
Tuwing gabi ay nag-uunahan kami ng aking kapatid upang magpatay ng kabtol ng ilaw dahil takot kami sa dilim.


5.Badhi
In English word Lines on Palm.

Example:
Kadalasan bumabasa ang mga manghuhula sa badhi upang matukoy ang sinasabing kapalaran ng isang tao.


6.Sambat
In English word fork.

Example:
Ginamit ni Ding ang sambat sa pag kuha ng pritong manok.


7.Payneta
In English word Comb.

Example:
Ang aking kaibigan ay sensitibo pagdating sa kanyang itsura kaya't sinisigurado nyang mayroon payneta sa kanyang bag para oras oras nya aayusin ang kanyang buhok.


8.Alimusom
In English word smell.

Example:
Ang alimusom ng durian ay mabaho ngunit ang durian ay masarap.


9.Gat
In English word Sir

Example:
Si Gat Jose Rizal ay isa sa dahilan ng kalayaan ng Pilipinas.


10.Panginain
In English word Browser.

Example:
Sa panginain maaring mag lon-in ng account sa google class kung hindi kaya ng iyong telepono ang aplikasyon.

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started